cokefloattwentyfour

“Bakit ikaw? Bakit ang tapang mo?” Tanong ng kaibigan ko,

habang umiiyak, dahil may pinagdadanan.

Ako? Matapang? Psh. Di rin. Duwag nga ako eh. Takot. Takot ako sa realidad, sa kung ano ang mga posibleng bagay na pwedeng mangyare sa buhay ko. Takot ako sa mga pagsubok na parating. Takot akong magisa. Ayoko, ayoko nun.

Pero alam nating lahat na hindi pwede yun, Alam natin na ang buhay ay hindi panay pasarap. We all know, that life isn’t that easy as we want it to be.

Sabi ng iba, ang tapang ko daw, kasi walang wala sakin ang mga problema, Pero sabi lang nila yun. Tao lang din naman ako, mahina, at may limitasyon, at umiiyak.

Akala ng iba, mababaw lang akong tao, yung tipong, gising, kain, tulog, or so lang ang ginagawa. Oo, siguro ganun nga ang definition ng salitang ‘Mababaw’ sa iba. Simpleng tao ba? Pero ako mismo, alam ko na hindi lang ako basta basta.

Oo, takot ako sa realidad, pero handa ako. Takot akong magisa, pero alam kong hindi mangyayare yun dahil kasama ko Siya lagi. Oo, umiiyak ako, pero alam kong pagkatapos nun, Okay na ulit ako. Pero hindi ako matapang, nagtitiwala lang.

Ganun lang naman ang buhay eh, hindi lahat ng bagay nakadepende sayo, dahil hindi lang naman ikaw ang nagiisang tao sa mundo. Pero lahat ng bagay ay nakadepende sa kung pano mo ito tatanggapin.

Kaya kaibigan, Kapit lang, wag kang bibitaw. Think positive, wag kang aayaw.

Advertisements

Babae? Sensitive yang mga yan. Yung tipong, hindi ka lang magtext ng ilang oras magagalit na, yung tipong Late Reply ka lang, magtatampo na.

Nakakairita diba? Wag kang mag-alala, malay mo balang araw, hindi na siya magagalit o magtatampo, yung tipong kahet hndi ka na magtext ng buong linggo, o buong taon, wala ka ng maririnig galing sakanya.

 

^Ano ba naman kasi yung maglaan ng kahet isang minuto para matext siya di’ba?

 

Madadaldal din yang mga yan, yung tipong pag kasama mo siya, hindi siya matapos kakadada, yung tipong magkasama na kayo buong araw, hindi pa din siya nauubusan ng kwento pag kausap mo siya sa telepono tuwing gabi. Kahit paulit ulit na, sige pa din! Nakakabobo diba? Hayaan mo, darating din siguro yung oras na, wala ka ng maririnig ni ho o ha na galing sakanya.

 

^Gusto lang naman niya, na kwentuhan mo din siya, kase gusto niyang marinig yung boses mo na kahet paulit ulit niyang naririnig ay di siya magsasawang pakinggan…

Ang mga babae, magulo kausap yang mga yan. Yung tipong tatanungin mo siya kung may problema ba, ang isasagot niya ay “Wala” pero, halata namang may problema.
Yung tipong tatanungin mo siya ng “Ayos ka lang?” sasagot naman siya ng “Oo naman! Ayos lang ako noh!” with matching ngiti o tawa pa, pero halata naman sa mga mata niya na kagagaling lang niya sa pag iyak. Nakakaasiwa diba? 
Hayaan mo, darating din siguro yung araw na, magiging pusong bato na lang siya. Yung tipong di na alam magpeke ng tawa at ngiti, yung tipong hindi na alam kung pano umiyak.

 

^Ano ba naman kase yung yakapin mo siya at bulungan ng “Sorry na, bati na tayo. Ayokong nakikitang malungkot ang prinsesa ko.” 

OA din sila magreact minsan, yung tipong nilagnat ka lang panay “Kumain ka na ba?” “Uminom ka na ng gamot mo?” “Baka naman napagod ka ng sobra?” “O baka naman pinawisan yang likod mo?” “Magdala ka kase ng towel!” na ang maririnig mo galing sakanila. Nakakarindi diba? Wag kang magalala, darating din siguro yung araw na “Get well” na lang ang maririnig mong sasabihin nila, kapag nagkasakit ka.

 

^Ano ba naman kasi yung sagutin lahat ng tanong niya pagkatapos sabihin mo na “Ano Babe? Tapos ka na ba magpanic? Halika nga dito, Ayos lang naman ako e. Lagnat lang to. Tyaka, nandito ka na oh. Malamang sa malamang gagaling na dn ako.” 

 

Mapantasya din ang mga babae, Yung tipong naghahanap ng sariling “Prince Charming” yung tipong, gusto nila may isang lalaking magpapatunay sakanila ng “And they live happily ever after” Yung kesyo mala “Cinderella” na susuotan siya ng sapatos. Yung tipong mala “Sleeping Beauty” na hahalikan siya. 
Nakakabading ba? Hayaan mo na, darating din siguro yung araw na, ibabaon niya sa isip niya na “Happy ever after don’t exist” Yung tipong hanggang libro nalang talaga si “Prince Charming”

^Ano ba naman kase yung alagaan at protektahan mo siya gaya ng ginagawa ng isang prinsipe diba?

Hindi naman demanding ang mga babae eh, simple lang naman ang gusto nila. Ang maalagaan, maprotektahan, at ang maramdaman na mahal mo talaga siya. 
Baduy mang sabibihin, pero yun ang totoo. 
Prinsesa naman talaga ang mga babae eh, Pano? Tulad ng isang tunay na Prinsesa, Ginagalang at Nirerespeto din sila, Hindi binabastos. Inaalagaan at Iniingatan hindi Pinapabayaan, at higit sa lahat, Minamahal, hindi sinasaktan.

Lahat ng babae ay “Prinsesa” na may sariling “Prinsipe” at may kanya kanyang “Happy Ending.”

 

 

Image

 

 

F-antastic

A-wesome

T-errific

H-onorable

E-xcellent

R-emarkable  ;))) 

 

 

 

You are the world’s best dad, 
The best father that I’ve ever had.

The corner stone of the family, 
The one who loves us dearly..

You’re not just my father but my ideal man too. 
and by this poem, I want to say thank you.

Thank you for yesterday, today, and tomorrow, 
for always saying that life is just a barrow.

I hope I made you smile with my little way, 
Greeting you a HAPPY FATHER’S DAY!  

Maniwala ka ma’t sa hindi papa, Ginawa ko yang poem for youuu! :)) Sana lang walang Wrong Grammar :3 😀 Happy Father’s Day Papa! Iloveyousomuch! Thankyou for Everything! I owe you Bigtime! Enjoy your Day papa! Godblessyou Always! Mwa! :*

Image

There are 525,600 Minutes in a Year…

“How time flies….” Yes. Time flies so fast that sometimes you are not already aware of it. We used to play things like the word ‘reality’ don’t even exist… We used to believe that Sky’s the limit… We used to think that having freedom is the best thing in this world.. But What If I’ll ask you right this very moment, with this question: “Have you ever stopped awhile to ask yourself how you have been living your life for a year?” 

If not, try to take a minute to think. It will make you realize many things you never think you’ll realize… Always Remember:  Life’s too short to have regrets…

 

Inspired by: (Ate) Justine Lei Perez Manuel ❤ 🙂

 

Image

Dear Mama,

Naalala mo pa ba nung Bata pa ako? Before grade school? Lagi mong sinasabi na mag-ingat ako pag maglalaro ako sa labas, Minsan nga nag-aaway tayo tuwing hindi mo ko pinapayagan na lumabas ng bahay e. Pero ngayon naiintindihan ko na. Naalala mo pa ba nung First time kong pumasok sa school? I remembered how fear ate me that day… Pero nagawa ko naman diba? Kasi alam kong nandun ka. Hindi mo ko iiwan. Ngayon ko lang din narealize kung gano kahirap ang hintayin mo ko ng ilang oras sa labas. Sorry, I was being selfish those days… Eh yung mga ngiti ko tuwing pinapakita ko sayo ang mga stars sa kamay ko? Naalala mo pa ba? Sana kahit papano, napawi nun ang pagod mo sa kakahintay saken.

Naalala ko pa yung pag-aalala mo tuwing inaatake ako ng Asthma, Wala si Papa, Kasi nagttrabaho siya. At mas mahirap yun sa part mo kasi mag-isa ka. Pero Ma, Kinaya mo. Naalagaan mo kami ng Sobra ang labis, Hindi kulang…

Ngayon, Nasa tamang edad na ko para maintindihan at ma-appreciate ang mga bagay na nagawa at ginagawa mo. Kaya hayaan mo akong magpasalamat, ngayon birthday mo…

Ma, Thank you for being strong, I wouldn’t be able to survive this far without you.. In my almost 14 years of existence, Ikaw ang kasama ko. Alam kong marami pa akong kailangang matutunan at maintindihan, at alam ko ding Ikaw ang tutulong saken na matutunan at intindihin yun. Kayong dalawa ni Papa. Without you, I wouldn’t be this open minded when it comes to reality of life. Honestly speaking, I am still afraid to face reality. I know time will come that I will not have any choice but to face it and live with it. But what’s important is the present time. But If that day comes I promise, You’ll still have me whenever you need me. I’d still take care of you and Papa, like what you did when I’m still a child.  I would never stop loving you until my last breathe. I would never stop saying ” I love you ” even if I know, that you knew it already.

I know I’ve hurt your feelings with my words and actions million times. I can be selfish and ungrateful. I am mostly moody. I remember when you slapped me for being disrespectful, Thank you for doing that.  It opened me to become a better person.

Having a mother like you while growing up is the greatest gift and biggest advantage anyone could ever have given me. It is because of the confidence and values you have installed in my empty mind and heart. Thank you for letting us know things we never knew before. Thank you for never leaving our side, back when we’re still a kid who should not be left alone. Thank you for always having hope for me when I didn’t have for myself. Thank you for telling me not to give up when I said I couldn’t do it any more. Thank you for loving me through all of my rejections of help and love. Thank you sa lahat mama! I love you very very much, if I could be half as good a mother to my children as you are to your children, I will have done exceptionally well.

HAPPY HAPPY BIRTHDAAAY!! Yung gift ko, pag dating ko nalang jan 🙂 Imissyouu!

I love you, more than words can ever express!!

Have a blast! Enjoy your Day mama! Napaiyak ba kita? Hahahah! Sorry. ^^

I LOVE YOU! And I will always do. 

Image

“What if di ko ginawa yun? Masaya pa rin ba kami hanggang ngayon?” “What if binaba ko nalang yung Pride ko at inintindi nalang siya sa mga oras na yon, Does it worth it?” “What if di ako nagsinungaling sakanya? Edi sana, Nasaken pa tiwala nya.”  

Ilan lang yang sa mga lines na nagamit naten, tuwing tayo ay nagkakamali. Pero, Tama bang bumalik pa tayo sa past at dumepende sa mga”What if/s” ng bawat kwento sa buhay naten?

Ang mga What if/s ay kasunod ng salitang “PAGSISISI” Dahil sa isang PAGKAKAMALI, maaring magbago ang mangyayare, bukas,  sa makalawa, sa susunod na bwuan, taon and so forth.

Maaari rin tayong baguhin nito, Nakadepende satin, kung papaapekto ba tayo o hahayaan nalang natin at tuluyan ng kakalimutan kasabay ng salitang “MOVE-ON”

Ang buhay kasi, parang CHESS. TOUCH MOVE.  

Once na nagkamali ka, Bawal mo ng ibalik ang pangyayare at palitan kung ano man yung nagawa mo. Pero tulad nga ng sabi ko, Ang buhay parang chess, Pag touch move at nasira ang deskarte mo, Pwede kang magisip ng ibang deskarte…

 

Ang buhay, parang Chess. Paulit-ulit man, Pero ang buhay talaga ay parang chess.  😀 Bago ka gumawa ng move, kelangan mo munang pag-isipang mabuti. Dahil Isang maling galaw mo lang, Pwede kang ma- CHECK MATE… 

Pag nag walk out siya, habulin mo.
Pag tinitignan niya lips mo, halikan mo.
Pag tinulak ka niya, yakapin mo at wag kang bibitaw.
Pag sinumpa ka niya, halikan mo at sabihin mong mahal na mahalmo siya.
Pag tahimik siya, tanungin mo kung anong ayaw niya.
Pag nakikita mo siyang pagod na pago, sabihin mo sakaniya na maganda siya.
Pag umiiyak siya, wag kang magsasalita at yakapin mo lang siya ng mahigpit.
Pag nakikita mo siyang naglalakad, magtago ka at gulatin mo sabay yakapin mo
siya sa likod.
Pag natatakot siya, protektahan mo.
Pag sinandal niya ulo niya sa balikat mo, taas mo ulo niya at ikiss mo sa ilong.
Pag inaasar ka niya, asarin mo rin siya hanggang sa magtawanan kayo pero siguraduhin mong hindi siya mapipikon.
Pag di niya sinasagot ng matagal, siguraduhin mong ayos lang siya.
Pag tinignan ka niya nang may kasamang pagdududa, sabihin mo sakaniya ang totoo at wag na wag kang magsisinungaling.
Pag sinabi niyang mahal ka niya, nagsasabi siya nang totoo at galing sa puso niya.
Pag kinuha niya kamay mo, hawakan mo rin kamay niya.
Pag nagsabi siya sayo ng sikreto, ibig sabihin pinagkakatiwalaan ka niya na wag mong sasabihin kahit kanino.
Pag tinignan ka niya sa mata, wag kang lilingon hangga’t di siya lumilingon.
Pag namimiss ka niya ng sobra, nasasaktan siya at iparamdam mo sakaniya na kahit di kayo magkasama siya parin ang laman ng isip at puso mo.
Pag nasaktan mo siya, hindi mawawala ang sakit na nararamdaman niya.
Pag sinabi niyang ayaw na niya, gusto ka parin niyang maging sakaniya.
Tawagan mo siya bago ka matulog at pag gising mo.
Wag kang matutulog hangga’t di siya nakakatulog lalo na pag may sakit siya.
Panuorin niyo ang paborito niyang movie kahit na ayaw mo.
Hayaan mong suotin niya ang damit mo.
Patunayan mong importante siya sayo.
Halikan mo siya sa ulan.
At higit sa lahat, wag na wag kang magsasawa sakaniya at tratuhin mo siya na parang prinsesa mo para tratuhin ka rin niyang parang prinsipe niya. ❤ 

 

(c) 

Mga Kategoriya

Advertisements